Wala ako maisip na ipo-post ko dito ehh...
Nagka idea lang ako nung nagtxt yung classmate ko..
heto yung txt nya~
"Kung kabilang ka sa huling dekada 80' at mga huling taon ng '90..
-kilala mo sina shaider,bioman,power rangers at masked rider black.
-kumain ka ng humpydumpy,safari (kornik) at tomi.
-naglaro ka ng 10-20,trumpo,tansan,teks,gagamba,langit-lupa at ang unang version ng counter strike.. ang bangsak! (bang = sound ng putok ng baril, sak = short for saksak!)
-alam mo ang universal song na "UWIAN NA!"
-nagsayaw ka ng I'm a barbie girl,macarena at bombastic (bombastic elabombastic!)
-alam mo ibig sabihin ng "taympers"
-alam mo na importante ang "period, no erase"
-nilalagyan mo ng pritos ring ang bawat daliri mo.
-marami kang alagang gagamba, may gagambang bahay at syempre may gagambang panlaban yung tipong hihipan mo pa para daw makatulog sila.
-nakanta mo na rin ang langit lupa impyerno im! im! impyerno saksak puso tulo ang dugo patay! buhay! umalis ka na riyan sa pwestuhan mo!
at ngayon nangingiti at natatawa ka dahil totoo ang mga iyan... matanda ka na pla hahaha!
--------------------------------
ayan ung text na nattanggap ko from my classmate. Natawa din ako kasi halos ng lahat ng nabanggit eh nagawa ko na o napagdaanan ko na. :)
Pinanganak ako noong 1991 kaya inabot ko pa ang mga ganyang bagay. Trip ko isa-isahin ang mga karanasan ko sa bawat bagay na nabanggit sa itaas.
• power rangers!
- Nung bata pa ako karaniwan kong kalaro mga lalaki. Ewan ko kung bakit ganun basta ganun na
nakamulatan ko. Pag naglalaro kami nung mga kalaro ko syempre di mawawala yung kwentuhan ng mga
paborito naming palabas, syempre isa na dyan ang Power rangers.. na kapag binabanggit pa namin eh ganito
"Oi, *pangalan ng kalaro ko* napanood mo ba kanina yung Go! go! power rangers?" . May Go! go! talaga
sya para feel na feel mo.. hehehehe... At ang kwentuhan namin ay mauuwi na sa paglalaro at pag po-portray.
Dahil ako lang ang babae sa grupo ako syempre si Power ranger PINK! at yung feeling leader kong kalaro
sya daw si RED. Syempre pag may POWER RANGERS may kalaban, yung kalaban namin ung bakla
naming kalaro.. hahaha nakakatawa lang kasi totoong sinasaktan namin sya pero wala syang pakielam basta
ba bibigyan mo lang sya ng kalahati ng mapapalanunan mong teks.
•humpydumpy at tomi!
- Nung bata ako ang hilig ko bumili ng chichiria (snacks). Uso noon sa mga bata ung tag pi-piso
lang (akala ko kasi noon matanda lang ang pwedeng bumili ng snacks na malalaki at ung tagpi-piso sa aming
mga bata lang yun). Kaya piso lang hinihingi ko sa mommy ko nun, masaya na ko kapag binigyan ako ng piso
sabay tatakbo ako sa tindihan at sisigaw pa ng "PAGBILAN" o kaya naman "PAGBILE" hahaha! At kapag
may nanghihingi naman sa akin ng chichirya bibigyan ko naman kaya lang binibilang ko yung butil .. hahaha!
• langit lupa!
- Isa to sa pinakasikat na laro noong bata pa ko. Yung kanta pa lang nito eh hinding hindi ko
makakalimutan minsan kasi nagkakadayaan din kami dito, pag kaibigan ko yung kumakanta at nag po-point
kung sino matatanggal kinakausap ko yun sinasabihan ko na wag mo ko papataya ahh.. hahaha (bata pa lang
may kadayaan na! hahaha) Dito rin sa langit lupa nauso ung iba't ibang bagay sa paglalaro tulad ng sungkitan.
may manunungkit sayo ng isang dangkal, dalawang dangkal etc etc.. at kapag naabot ang paa mo ikaw naman
ang taya!. Nauso rin yun term na " NO BALIKAN" or "WALANG BALIKAN" ibig sabihin nyan kapag
ako ang taya at tinaya kita bawal mo kong tayain, dapat humanap ka ng iba. At kapag hindi ka nakakataya
at matagal ka ng taya magsisi-kantahan na ang mga kalaro mo ng " UWIAN NA!" at "BURUTIN!
BURUTIN!" na maghuhudyat na uwian na at tapos na ang laro...
marami pang laro ang nauso nun tulad ng..
-sili sili maanghang tubig tubig malamig! (hahaha)
-shampoo! (mag sha-shampoo ka kapag nataya ka at ma pi-freeze ka, para ma un-freeze ka kelangan may
magtaya sayo ng tubig!)
-luksong baka
-liksong tinik
• BANGSAK!
-Eto ang pinaka enjoy akong laro para kasi tong conter strike eh. May terrorist at anti-terrorist :))
Kaya lang dito sa larong ito kelangan mo magtago ang unang mahanap ng taya at ma-bang ang syang taya!
example (Bang saira!) *kelangan banggitin mo ang pangalan ng babarilin mo*. Kung ikaw naman ang
nagtatago pwede mong burutin ang naghahanap... pwede mo kasi syang saksakin, pero dapat masaksak mo
sya bago ka pa nya ma-bang! :))
• UWIAN NA!
- Eto palagi namin kinakanta kapag wala ng natataya yung taya in short binuburot na namin..
o kaya naman.. pag ayaw namin magpataya pero nataya kami.. mag uusap usap kami na kakanta ng
"UWIAN NA!!" haha at wala ng magagawa ung taya kasi wala na syang kalaro :))
• MACARENA!
- sikat na sikat to dati ehh! Yung mga uncle ko at tita ko inuuto uto pa ko para lang sayawin ko
to.. meron magbibigay ng candy, may magbibigay ng limang piso, merong magbibigay ng paper doll at kung
ano-ano pa.. para lang sayawin ko to. At syempre ako naman wala pang kamuwang muwang eh sasayaw
na rin dahil sayang naman yung bibigay nila sa akin. hahaha!
• TAYMPERS!
- karaniwan ginagamit ang salitang ito kapag naglalaro ng langit lupa, bangsak, ice ice tubig etc.
pag nag taympers ka kasi di ka pwedeng tayain. Naalala ko pa kapag tatakbo ako at maabutan ako ng taya
bigla akong sisigaw ng "TAYMPERS! nauuhaw ako eh" hahaha para lang makalusot para di ako mataya
pero ang totoo ayaw ko lang talagang mataya kaya bigla akong nag ta-taympers!
• PERIOD, NO ERASE!
- Ginagamit ko tong lines na to kapag nang aasar ako ng kalaro ko. Halimbawa malaki mata nya,
aasarin ko sya ng "Ay ang laki ng mata mo.. ikaw ang may pinakamalaking mata dito. Period, no erase!"
haha ibig sabihin lang nun di na sya pwede mag react kasi nagsabi na ko ng period at no erase.
• GAGAMBANG BAHAY!
- eto lang yung inaalagaan kong gagamba nun.. (galit pa ung mommy ko nito.. kasi daw ang
daming pwedeng alagaan bkit daw gagamba pa, naalala ko sinagot ko mommy ko nun ehh.. "Syempre Mie
yan yung nilalaro nila ren-ren ehh (pangalan ng kalaro ko) . Meron pa ngang pagkakataon na tinatapon nila
yung gagamba ko.. kaya yung mga tutubing karayom,tutubing kalabaw,tutubibg kulay red,tutubing kulay
blue ang napagdidiskitahan ko malapit sa bakanteng lote sa bahay namin.
• KULTO,WELGA!
- Yung mga kalaro ko at ako ang pasimuno ng kaingayan sa subdivison namin.. buti na lang
close ang mga parents namin at di na sila nagagalit sa ingay namin. Pag malapit na kasi mag-gabi kukuha na
kami ng "show-me-card" na luma tapos lalagyan namin ng sulat ng "WELGA!" si Erap pa ata ang pangulo
nun ehh.. sisigaw kami ng "Ibagsak si 3rap!" meron pang "Ibaba ang presyo ng gasolina" etc etc.. bsta
kung anong nakikita naming ginagawa ng mga nag ra-rally eh ginagawa rin namin yun. Pag nagsawa na kami
rally mag lalaro naman kami ng kulto-kultuhan.. Ganito yun, ako at ang mga kalaro ko eh pupunta sa isang
sulok tapos kapag may dumaan.. bigla kaming lalabas at mananakot ng "awwoooooo!" hahaha mukha
lang kaming sira pero sa awa ng Dyos wala namang napikon sa mga pinag gagawa namin..
• ALIBI
Paalala lagi ng Mommy ko umuwi ng maaga, yung tipong mga 5pm pero syempre na-e-enjoy ko
ang paglalaro di agad ako umuuwi ng ganung oras... kaya palagi uhmm kaya GABI GABI sinisigawan ako
sa kalye ng Mommy ko.. "SAIRALYN! GABI NA! DI KA PA UUWI?" hahaha at asahan mong pag
sumigaw na ng ganun mommy ko ehh may nakahandang pamalo na yun. Syempre ako naman uuwi na..
at pagdating sa bahay todo alibi na ko sasabihin ko late yung orasan ko (yes naka watch na ko nung bata ako
sinanay na nila aq na mag relo at very young age) o kaya naman sasabihin ko nalibang ako kaya di ko
namalayan yung oras pero syempre ang ending.. papaluin pa rin ako ng tsinelas.. hahaha
at pag pinapalo ako lagi kong linya.. "Hindi na po... hindi ko na uulitin pramis... hndi na po.. wag na po.. tama
na po... last na un.." hahaha :)) pero uulit pa rin ako kinabukasan.. syempre bata pa ko nun.. matigas pa ulo
ko at pasaway tlaga..
-----------------------
ayun~ marami pa kong kkwento ehh.. kaya lang mahaba haba na to at gabi na.. inaantok na rin ako..
so paano~ G;Nyt na lang... next time na lang :)
ciao!
No comments:
Post a Comment